jump to navigation

fangirling at 1:30am May 31, 2008

Posted by isakangdiyosa in Adrenaline Rush, Feel Good Movies and TV Series, Life or Something Like It.
Tags: ,
5 comments

kakatapos ko lang gawin ang minutes ng anti-trust meeting namin noong may 22. mahaba. masalimuot. seryoso. nawala tuloy ang momentum ko na magsulat para sa blog. at para makabalik sa mood. kailangan kong tignan ulit ang nakapanghihinang larawan ng kakaibang nilalang na naging sentro ng fangirling experience namin ni cecille noong huwebes ng madaling araw.

fangirling experience no. 1 : sex and the city

matapos panoorin ang complete episode ng s&tc tv series, siyempre hindi ko pwedeng palampasin na hindi panoorin ang pelikula.natuwa naman ako sa istorya. feel good tv series and movie talaga. sobrang apektado ako dun sa part na hinampas-hampas ni carrie ng bulaklak si mr. big. mararamdaman mo talaga ang sakit, galit at some deeper emotion na hindi ko alam kung ano ang dapat itawag kung hindi ka ba naman siputin ng fiancé mo sa kasal niyo. kung ako yun, baka inutusan ko ang driver ng limousine na sagasaan na lang siya. as usual, panalo ang mga fashion choices. kung madami lang akong disposable income, bibili ako ng maraming maraming designer dress at designer shoes at designer bags. at siyempre kailangan ding bumili ng kotse dahil hindi ka pwedeng sumakay ng tren kung sosyalan ang suot mo di ba. nakakahiya naman sa damit at sapatos. pero dahil wala, magtiis na lang muna sa generic brands sa sm department store. hindi rin nawala ang mga nakakatawa, witty at quotable quotes ng mga girls. my time na naiiyak ka na sa eksena tapos bigla na lang my punch line. tumatawa ka tuloy habang nag-eemote.

at dahil sobrang fan ang isa kong matalik na kaibigan, umiiyak siya mula simula hanggang matapos ang pelikula. ano nga ba ang sabi niya? my emotional investment kasi siya sa tv series na ito at pakiramdam ko kilalang kilala niya ang mga cast at pakiramdam niya mga kaibigan niya sila. hehe.

matutupad din ang pangarap mong magsuot ng trench coat at boots sa new york.

fangirling experience no. 2 : stalker mode at 1:30am

sleepover dahil late na nakauwi matapos ang late night dinner sa chicken inasal.

dahil wala kaming magawa ni cecille, nag-online kami, libre kasi ang internet kapag madaling araw. matapos magcheck ng multiply at blog, naisipan naming mgcheck at magpaka-stalker mode sa friendster. target? siyempre sikreto baka maligaw siya sa blog ko. inumpisahan sa pictures na ayaw nang ilipat, sumunod ang pagbabasa ng sang-katutak na testi. alas dos ng madaling araw, pinagtiyagaan naming basahin ang testi ng may testi at may mga comments pa kami at panlalait sa mga taong nagbigay ng testi sa kanya.

at dahil sikat siya, sinubukan naming hanapin sa google ang mga news article na isinulat patungkol sa kanya. tumitili kami kapag nakikita namin ang panglan niya sa google search results. sabay click ng link. inisa isa naming ang bawat web page. at makalaglag silya talaga ang bawat bagong rebelasyon sa pagkato niya. at hindi pa kami nakuntento, kailangan may ibang kombinasyon talaga sa search keywords. malay mo nga naman baka may bago pa kaming matuklasan. hanggang dun na lang muna baka may mabanggit akong incriminating words.

grabe, nakakatuwa. nakakamangha. naman. ibang level ka talaga, chong. taas talaga ang dalawang kamay namin sa iyo. salamat, kahit hindi mo nababasa to, sa kakaibang kasiyahan na naidudulot mo sa amin. nagiging libangan ka na nga namin, in a good way and no pun intended. ewan ko ba, meron kasing de-stressing factor ang pegkatao mo na nakakahawa. kung nakilala kita nung mga panahong nag-aaral pa ako, e di ako sana ang number 1 fan mo.

# # # #

paggising ng biyernes ng umaga, tawa kami ng tawa ni cecille. ano pa nga ba ang pag-uusapan, syempre re-run ng fangirling experiences kagabi. kakaibang experience talaga. out of character. stalker at fangirling mode to the highest level hanggang umaga. sabi nga niya parang pajama party for 6 kahit dalawa lang kami.

salamat, sweety, sa tirahan. sa mga susunod pang fangirling episodes. :-)

samu’t saring kwento nitong nakaraang linggo May 31, 2008

Posted by isakangdiyosa in Blogging from my P990, Life or Something Like It, Office Life.
2 comments

dahil flat at walang alon nagpagupit ako ng buhok last week. syempre marami ang nakapansin, nandiyan ang mga officemates ko, mga housemates ko, mga kapitbahay, at mga friendsters. oo friendster. dahil nagmamaganda ako, in-upload ko ang pictures ng bago kong hair style sa friendster. karamihan naman ng mga bumati ay natuwa sa aking bagong gupit pero merong mga mangilangilang reaksyon na hindi ko talaga makakalimutan. tulad nito:

kaopisina ko: the hair has a personality of its own! alam mo mukha kang cartoon.

ako: cartoon?!

kaopisina ko: oo. mukha kang cartoon, pero in a good way. kamukha mo yung mga drawings ni jordi labanda. mamaya ipapakita ko sa iyo.

pagkatapos mg-restroom break ng ka-opisina ko pinakita niya sa akin ang kamukha kong cartoon. at natuwa naman ako. maganda ang mga drawings at artwork nitong si jordi labanda. napaka-parisian at napaka-vouge ng setting ng mga drawings niya. inisip-isip ko rin nga na ang mga drawings niya and pangarap kong buhay.

sa ibang eksena naman, ang isa ko pang ka-opisina ay may nakita atang magandang empleyada sa ibang opisina. todo-describe naman siya kung ano ang histura ng magandang empleyada habang nakikinig ang lahat.

isa pang ka-opisina: my maganda dun sa office ni %^*%$. my bangs siya. (sabay tingin sa akin). pero maiksi ang buhok niya. hindi katulad sayo.

ako: (tahimik lang ako at nakangiti.)

isa pang ka-opisina: baka kasi akala mo ikaw.

ako: hindi ako asyumera noh.

natuwa lang ako. ganda kong to. laitin ba ako. hehe. chos.=)

#####

madami ding quotable quotes na hindi ko makakalimutan sa linggong to tulad nito habang kausap at katext ko ang isang kaibigang surfer sa telepono:

11:00pm – may 1 miscall galling kay kaibigang surfer2:30am – nagreply ako sa text niya ng “sweety, missed your call. maaga akong natulog eh. masakit ang ulo ko.”

hindi sumagot si kaibigang surfer kaya tinawagan ko siya. akala ko kasi may importante siyang ibabalita sa akin tungkol sa isang bagay na sinusubukan naming maging kasabwat siya.

ako: oh bossing, tumawag ka. kumusta?kaibigang sufer: jane, kasama ko si &%#@! (ang girlfriend niya)

ako: ah ok. o sige balitaan mo na lang ako. (sa isip ko, e ano naman kung kasama mo si &%#@. bakit may relasyon ba tayo?! nakikibalita lang naman ako.)

kinabukasan, kinukulit pa rin ako ni kaibigang surfer. chong, tigiltigilan mo na yan. sinabihan naman kita tungkol sa plano ko. at ang sabi mo “ok.” makipag-cooperate ka na lang ok. basta, balitaan mo ko. wink!

#####

at hindi ko makakalimutan ang text at chat session namin ng aking matalik na kaibigan. cheesy. mushy. malandi.

matalik na kaibigan: so kumusta naman kayo? anong pinagusapan ninyo kagabi?

ako: wala lang kung anu-ano lang nagkamustahan lang. at pupunta nga pala siya ng *&^%$ at ng )*&%$#@.

matalik na kaibigan: so kasama ka?

ako: hindi. hindi naman ako imbitado. ang kapal ko naman di ba kung iimbitahan ko ang sarili ko.

matalik na kaibigan: (marami siyang sinabi. may script na nga siya kung ano ang mga dapat gawin at mga possibleng mangyari. naku naman. wala ka talagang kasing creative.)

ako: sweety, tigilan mo na ako kasi nasa self-preservation mode ako. at ayaw kong magself-destruct.

at wala ng kakabog sa rebelasyon ng matalik kong kaibigan. mahal ka namin. andito lang kami kapag kailangan mo ng kausap. at alam ko na nadiyan ka rin lagi kapag kailangan ko ng kausap at kalandian. grabe! ikaw pa eh nakapagroundtrip ka na nga ng makailang beses sa batanes at jolo. kabog ang pipichuging kilometrong biyahe namin.

mistakes. learnings. fate. May 28, 2008

Posted by isakangdiyosa in Feel Good Movies and TV Series, Random Thoughts.
Tags:
add a comment

“Maybe our mistakes are what make our fate. Without them, what would shape our lives? Perhaps if we never veered off course, we wouldn’t fall in love, or have babies, or be who we are. After all, seasons change. So do cities. People come into your life and people go. But it’s comforting to know the ones you love are always in your heart. And if you’re very lucky, a plane ride away.” -carrie bradshaw on sex and the city

excited lang akong manood ng sex and the city bukas.=)

lost again May 28, 2008

Posted by isakangdiyosa in Life or Something Like It, Office Life.
Tags: , , ,
1 comment so far

i have this knack of getting lost in meetings or receiving the wrong invitations, the result of which is finding myself at the wrong place at the wrong time at the wrong meeting.

it happened last week when i was asked to attend the comste meeting as posted in my sayang ang tulog entry.  there was no need for me or for my boss to attend that meeting. we were given a notice of meeting but we were not furnished a copy of the programme so there was no way for us to judge whether we have to attend or not. we just assumed it was one of the usual committee meetings so we went. again, sayang ang tulog.

and then yesterday, i received an invitation to attend a forum organized by the export development council on the revised kyoto protocol. (im getting serious here. this was supposed to be a fun blog. it probably won’t be long before i start writing political pieces. haha.) revised kyoto what?  the revised kyoto convention was established in 1974 to simplify and harmonize customs procedures in order to facilitate and encourage international trade.  it was revised recently to ensure that it meets the current demands of international trade and to form the basis of an international blue print for modern and efficient customs procedure in the 21st century. anyway, going back to the story…

the invitation said 28 may 2008, sofitel hotel, 11am to 2pm. so i went there on time and primly asked the receptionist the venue for the forum and he told me “maam, wala pong ganyang event dito. kung gusto niyo po magtanong po kayo sa business center.” so i went there i was assisted by a friendly and competent receptionist. she made calls to several restaurants in the hotel asking if there were reservations made by the organizer and they all said none.

i was feeling helpless and i am thirty minutes late. so i asked the receptionist if a could make an outside call and she gladly obliged. i called the office to help me track the venue; and after a few minutes, i received a call telling me to proceed to traders hotel. the meeting was not at sofitel philippine plaza it was at traders hotel. i had the wrong invitation and im running late. nyemas.

the meeting was underway when i got there. i tried to be as invisible as possible so that i won’t have to apologize for my coming late. but the facilitator was so friendly; and regarding the meeting as an informal friendly gathering, she asked me to introduce myself. and asked everybody else to introduce themselves for my sake. hehe.

at the end of it all, i found the meeting very productive and insightful. i was even able to contribute some of my thoughts. thank god, i am the ways and means person at the office. the knowledge came in handy.=)

ex-shoe addict May 27, 2008

Posted by isakangdiyosa in Life or Something Like It, Random Thoughts.
Tags: , ,
2 comments

i used to buy a pair of shoes every week when i was not yet surfing. and then when i started surfing, i had to cut back a little on my expenses to pay for my surf trips. i just realized that i didn’t really do a lot of c’sost-cutting since i started buying a lot of board shorts and swim suits and rashguard and sunscreen. nyaha. and then i saw this picture from my friend’s sister’s friendster account. this weekend, i plan to get reacquainted with my ex-addiction.=)

what would you do on flat days? May 26, 2008

Posted by isakangdiyosa in Blogging from my P990, Life or Something Like It.
Tags: , ,
2 comments

since i won’t be able to spend the weekend on the beach, i had to think of something to make the weekend bearable and somewhat interesting.

i told a friend last thursday that i will spend one whole day at starbucks, set up a makeshift extension office and catch up on my readings. i have to organize all the documents i received over the week and finish or attempt to finish a few more chapters of the national competition policy of the philippines book, which by the way, i have been reading since march. problem though is that i can’t seem to move further than chapter one. tsk. and to make things interesting i planned to bring my slr for some practice shots. subject: coffee, books and strangers.

anyway, i was able to organize files when i got home thursday. but i had to deviate from my original plan of staying at starbucks on friday because i had to run several long overdue errands for my mom and myself. i also left my slr since it was raining hard.

friday, i spent the whole day at sm with my mom and my sisters buying school supplies, bags, uniforms and whatnot. we also had a little dose of retail therapy and bonding moments while going in and out of stores. since all five of us girls are on a light mood, we trooped to the salon to have our hair and nails done. well, for me at least. my toes are sandy and my hair is all dry from too much salt water.

i decided to have my hair rebonded. one year of curly curly hair and i felt like it’s time for a change. the problem is that the people at the salon refused to do just that after i did an account of my hair history. they told me it wouldn’t turn out the way i imagined it to and it might even get more damaged. i went to another salon and then another and then another and they all said the same thing. so much for my dream hair. i got a hair spa and a hair cut instead. was happy with the result too. my hair is still naturally messy! hehe!=)

sayang ang tulog May 23, 2008

Posted by isakangdiyosa in Life or Something Like It, Office Life.
Tags:
2 comments

hay. 5:30am pa lang gising na ako kanina. my meeting kasi ako ng 8:00am ng umaga kaya kailangan kong gumising agad lalo na at mabagal akong kumilos kapag umaga. madalas ko rin palang tinatawaran ang tulog ko at niloloko ang sarili ko na advance yang relo mo may “15 minutes ka pa actually” kaya paggising ko lalo akong nagmamadali. as usual, ganon ang nangyari kaninang umaga at kailangan ko pang makiusap sa roommate ko na mauna na akong maligo at late na ako. mabuti naman at mabait siya at pinauna niya ako. so okay na naka-ligo na ko. eto, magpa-plantsa na ako ng damit, hay, kamalasan nga naman dahil ang nag-iisang formal kong damit ay may mantsa ng mantika galing sa fried chicken na pinabaon sa akin ng lola ko nung lunes. kaya ayun, jeans and shirt na naman ang suot ko.

nakalabas na ako ng bahay. sumakay ng tren. bili ng almusal sa 7-11. at diretso na sa century park. pagdating ko dun tinanong ko yung information kung saan ang meeting ng congressional oversight committee on science ang technology (comste). gulat ko na lang nang sabihin niya na wala daw sa records nila na ganung meeting. umikot ako sa mga function rooms nila at wala nga talaga. tumatawag na rin pala ang boss ko nang mga panahong ito dahil pupunta daw siya. hindi ako makapag-bigay ng update dahil nawawala nga yung kwarto.

tinawagan ko yung staff ng chair ng comste para itanong yung kwarto. at mas laking gulat ko nang sabihin niya na hindi daw niya alam. hello, bakit hindi mo alam, committee nyo kaya yan?! wala na akong choice. kailangan maging mapamaraan. nagbaka sakali akong tanungin ang mga staff ng “2008 national conference on health” na gumagamit ng isang function room doon kung my alam sila sa comste meeting. iyon na pala ang comste meeting na tinutukoy sa committee notice kahapon.

ang meeting na sinsabi nila ay isang malaking conference na sa tingin ko ay dadaluhan ng maraming tao, may mga resource persons sila sa programme na magbibigay ng talumpati sa iba’t ibang aspeto ng situasyon ng kalusugan sa bansa. ang mga miyembro ng comste ay magsasalita pa lang ng 2:30 ng hapon. at ang nakalagay sa imbitasyon ay 8:00am ng umaga. sa mga organizers, sana sinabihan niyo kami na ganun pala ang programa ninyo. hindi na sana ako gumising ng maaga. nasayang tuloy ang dalawang oras na tulog ko. hmmp!

dahil kawani ako ng gobyerno at wala naman akong magagawa at may meeting pa ako ng 10:00am mamaya, dumiresto na ako ng opisina at inilabas ko na lang panghihinayang ko sa dalawang oras kong tulog sa blog na ito.=)

pustahan May 21, 2008

Posted by isakangdiyosa in Feel Good Movies and TV Series, Sound Trippin.
Tags: , ,
1 comment so far

nasa opisina pa rin ako ng 6:30pm hindi dahil sa trabaho kundi para manood at magmonitor ng american idol. gusto ko naman umuwi para makabawi ng tulog pero ang saya-saya panoorin ng mga ka-opisina ko.

my pustahan kasi kami. 7 david cook bets vs. 3 david archuleta bets.

ang pustahan: yellow cab at coke! hehe.

syempre david cook ako noh.=)

————————–

UPDATE:  DAVID COOK cooked DAVID ARCHULETA! SARAP NG PIZZA!=)

what it’s like being a surf bum May 21, 2008

Posted by isakangdiyosa in Adrenaline Rush, Life or Something Like It.
Tags: , , , , , , ,
add a comment

“Pictures seal these moments between us… while the days are slipping by, a camera somewhere stopped the time.” – p.sawyer in punk and disorderly

crystal beach resort, san narciso, zambales

charlie\'s point, baler, aurora

charlie’s point, baler, aurora

apuao grande island, daet, camarines norte

charlie’s point, baler, aurora

charlie’s point, baler, aurora

swell in front of megan’s, pundaquit, san antonio, zamabales

mother michael’s house, san narciso, zamables

eto ang dalawang sentimo May 21, 2008

Posted by isakangdiyosa in Life or Something Like It, Random Thoughts.
Tags: ,
add a comment

dahil responsable ako. napipikon ako kapag nakikita ko ang ka-iresponsablihan ng iba.

madami ang naging impluwensiya sa buhay ko para maging responsable ako, sa sarili ko, sa mga galaw ko, sa mga sinasabi ko. mahirap kasi ang mundong ginagawalan ko lalo na nung bata-bata pa ako. bata pa rin naman ako ngayon pero hindi na ako isip bata kasi nga sa iilang taong itinira ko sa mundong ito marami na akong naranasan at natutunan. kailangan kasing matutunan kong alagaan ang sarili ko. at alaagaan ang iba.

kaya sobrang inis ko na lang nang makita ko ang ka-iresponsablihan ng isang taong may malaking papel sana na gagampanan sa buhay ng isang taong kailangan niyang alagaan.  madaming beses na namin napag-usapan ang kawalan niya ng pakialam sa mga bagay-bagay pero iba pa rin talaga kapag nakita mo ng personal ang kahinaan ng loob niya. ano ka ba? tao ka naman bi ba? hindi ka ba nahihiya sa mga pinagdadaanan mo? manindigan ka naman chong!

baka nga wala ka lang magawa talaga pero ang hirap kasing isipin na hanggang dun lang ang kaya mong gawin. hindi ka man lang gagawa ng paraan para tulungan ang sarili mo? kontento ka na ba sa ganyan? hindi ka ba naaawa sa sarili mo? sa mga taong nakapaligid sa’yo?

eto ang dalawang sentimo gamitin mo, may mas magagawa ka pa kung gugustuhin mo lang.

magpakaresonsable ka.